Ibinahagi ng Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi ang mga litrato niya sa pinuntahang "10,000 Roses Cafe & More" sa Day-as, Cordova, Cebu.

Umawra ang alindog ni Ivana kasama ng mga rosas sa nabanggit na lugar at nagpakuha ng larawan.

"10,000 Roses," aniya sa caption ng kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 9.

Isang netizen naman ang nagbiro sa kaniya, "anlaki ng bulaklak mo."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hirit naman ni Ivana, "lagot ka sa jowa mo."

Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya kung paano siya nakapagpa-picture sa mga bulaklak gayong bawal daw ito.

Sagot ni Ivana, pinayagan umano siya ng may-ari at may permiso naman.

"Bawal d'yan sa loob dba? Buti pinayagan ka."

"Yes pinayagan po nila ako. The owner was very kind and para din mapromote ang magagandang lugar sa Pilipinas tulad nyan," depensa ng actress-vlogger.