Hindi pinalagpas ng bashers ang aktor na si Aljur Abrenica matapos niyang i-flex ang larawan nila ng girlfriend na si AJ Raval, habang sila ay nagbabakasyon sa Canada.

Sa latest Instagram post ni Aljur, makikita ang sweet moment nila ni AJ habang nasa outdoor activity at may pa-bonfire pa.

"Big Fish Bay Slave Lake" caption dito ni Aljur.

Sa comment section naman ay binira ng mga netizen si Aljur dahil hinahanap nila ang pagbati nito sa birthday ng anak nila ni Kapuso actress Kylie Padilla na si Alas.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Birthday kasi ng bata noong Agosto 4. Mas inuna pa raw ni Aljur ang pag-post ng photos at videos nila ni AJ kaysa sa anak.

"Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang dalawang 'to?"

"Ingat baka masunog kayong dalawa..."

"Yung nauna pa nya ina out of the country yung ka bet ski nya kesa sa mga anak. Just saying."

"Kumusta naman ang asawa at mga anak mo idol😂😂kumusta naman ang pakiramdam ng nagsasaya ka na kasama ang bago mo tas bday ng anak mo na masaya din cla na wala ka."

"Fine-flex ang kabet. Sanaol po!"

Sa kabilang banda, may mga netizen din naman ang nagtanggol para sa dalawa.

Sana raw ay mag-move on na rin ang fans dahil naka-move on na rin naman ang mga partidong sangkot.

"Grabe mga comment dito akala mo sila ung naagrabtado samnatalang si kylie ang Saya Saya s bf ny. Si kylie n nga ang nagsabi nagka hiwalay sila ni aljur Iba ang dahilan wala p nun si aj. Ngayon pinipilit ng mga tao n kabit at sya ang dahilan Mas marunong p sila Kay kylie hahaha. Aikasuhin nyo mga buhay nyo kaysa nanggigigil kayu s dalawa d kayu magkakapera s galit nyo s knila."

"Sobra naman kayong mag bashed kay Aj. Yung iba below the belt na yung mga comments. Idinadamay pa ninyo yung mga anak nila. May kanya kanya na silang buhay. Pero parang kayo ang hindi maka move on. Leave Aj alone at ang mga anak niya. Intindihin niyo na lang ang mga buhay niyo mas maiigi pa. Kaysa makasakit kayo ng damdamin ng iba."

"Bakit ang daming galit? HAHAHA mga irresponsible marites, nakikichismis na nga lang nagagalit pa kay Aljur. Sa tingin nyo affected pa sila? Wala yata kayong ibang pinakabusyhan sa life ah, inaabangan nyo lang yata life ni aljur. Hahahaha nagagalit kayo kay Christy Fermin at Lolit Solis, eh dinaig nyo pa sila eh."

Samantala, ayon sa ulat ay magkasama sa Vancouver, Canada ang dalawa dahil sa ilang serye ng shows doon.