Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Miyerkules na walang umiiral na kasunduang alisin ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“I’m not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship, in this case, the BRP Sierra Madre from the Ayungin Shoal,” pagdidiin ni Marcos.

Reaksyon ito ng Pangulo sa naging pahayag ng China nitong Lunes na nangako umano ang Philippine government na tanggalin na ang barkong nakapuwesto sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Paliwanag ni Marcos, sakaling mayroong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa pagtatanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay kaagad niya itong ipawalang-bisa.

Ang nasabing U.S.Navy ship na dating ginamit noong World War II ay pinasadsad ng mga sundalo ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong 1999 upang magsilbing military outpost sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).