Naispluk ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na ang nagreklamo raw laban kay Careless CEO Jeffrey Oh ay mismong ama ng business partner nitong si singer-actor James Reid, sa showbiz-oriented vlog nilang "Showbiz Now Na" kasama ang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

“Ipinahuli ng mismong tatay ni James Reid itong si Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless. Ito po ay naganap sa Poblacion, Makati noong nakaraang linggo po. Naganap at nakunan po ito ng GMA 7 hindi lang po ipinalabas dahil i-inquest pa siya," ani Cristy na ang tinutukoy ay si Jeffrey Oh.

Sa pagpapatuloy pa niya, "Nakikipag-meeting po itong si Jeffrey Oh nang dumating ang mga tauhan ng BID (Bureau of Immigration and Deportation), hiningan po siya ng mga papeles, hiningan siya ng SEC (Securities and Exchange Commission) registration, wala!"

"At wala rin po siyang karapatang mag-business dito sa Pilipinas dahil wala siyang mga dokumento."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagdesisyon daw ang ama ni James Reid na ipahuli na si Oh dahil hindi pa naibabalik sa kanila ang perang napag-usapan nila bilang business partners.

Binembang ni Cristy si Oh dahil sa mga "itinuro" nito kay dating Kapamilya star Liza Soberano, na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal dahil sa mga binitiwan niyang pahayag kaugnay ng kaniyang "rebranding."

“Ang lakas ng loob niya na pumunta rito sa Pilipinas at tuturuan si Liza ng kung ano-ano ang sasabihin nito sa kaniyang mga kapanayam, eh wala naman pala siyang karapatang mag-business dito dahil dayuhan siya,” aniya pa.

Sa August 8 episode naman ng "Cristy Ferminute" ay ipinakita ang video clip ng pagdakip kay Oh matapos itong untagin ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Binasa ni Cristy ang isang pahayag mula kay BI Commissioner Norman Tansingco.

"Immigration agents arrested the 34-year-old American in Poblacion, Makati after reportedly engaging in gainful employment without the necessary work permit, in violation of Philippine immigration laws."

“A complaint lodged with the BI reported the American to have presented himself as the CEO of a Manila-based company, as well as the owner of several restaurants, without acquiring the necessary visas or permits."

"He will be facing a deportation charge and will remain in the BI’s facility in Bicutan, Taguig during the proceedings.”

Ayon pa kay Cristy, nakapagpiyansa na raw si Oh noon pang nagdaang Biyernes, Agosto 4.

Samantala, tikom pa rin ang bibig ng kampo nina James Reid at maging ni Liza Soberano tungkol dito.