Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang Cebuano ang solong nagwagi ng mahigit sa ₱87 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Martes ng gabi.

Sa inilabas na draw results ng PCSO, solong napanalunan ng lucky bettor ang ₱87,051,450.20 ang premyo ng naturang lotto game nang matagumpay nitong mahulaan ang winning numbers na 18-22-30-55-26-05.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

MAKI-BALITA: ₱87M jackpot prize ng Ultra Lotto, nasolo ng isang lucky bettor!

Nabili umano ng lucky winner anglucky ticket sa isang lotto outlet sa Mandaue City, Cebu.

Upang makubra ng premyo, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan din magprisinta ng dalawang balidong ID at ang winning ticket.

Paalala naman ni Robles, ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa itinatakda ng TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang araw nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.

Muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga laro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.