Nagdulot ng aliw sa social media ang pagluhod at tila pagdarasal ni Kapuso actress Yasmien Kurdi sa Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, dahil sa trending na "anti silos (selos) class" nito sa social media.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 7, makikitang nakaluhod si Yasmien at nakadaop ang kaniyang mga kamay na tila nagdarasal at "sinasamba" si Jak.

Si Jak naman ay nakatuon ang kamay sa ulunan ni Yasmien.

"Scholar sa JRU (Jak Roberto University) BS Anti-Silos 🤭 #AntiSilos," caption ni Yasmien.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagkomento naman dito ang iba pang celebrities gaya ni Joross Gamboa.

"Magtatag na ba ako ng mga dapat mag enrol sa #AntiSilos?" biro niya.

Maging ang mga netizen, bet na ring mag-enrol kay "Prof. Jak."

"Jak lang sakalam hahaha."

"Pa-enrol po prof jak"

"Mag-eenrol ako dito hindi dahil selosa ako, kundi para makasama kita Jak."

"Sana all niluluhuran hahahaha."

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 899k reactions, 65k shares, at 9.6k comments ang nabanggit na FB post ni Yasmien.