Nagdulot ng katatawanan sa social media ang pabirong hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaibigan at "It's Showtime" co-host na si Anne Curtis habang kumakain ito ng biskwit na "wafer."

Naka-commercial break ang Showtime kaya nasa pantry nila ang hosts upang magmeryenda.

Makikita sa video na iniimis ni Anne ang ilang mga kalat sa mesa kung saan siya kumain ng wafer.

Maririnig naman ang boses ni Karylle na may napunta raw na bahagi ng wafer sa kaniyang kilay.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Ang dumi. Salaula. Maputi lang talaga kaya akala mo malinis sa katawan," ani Vice.

"Tingnan mo pati kilay may wafer," dagdag ni Unkabogable Star.

"It's wayfer," hirit ng natatawang si Anne.

"Sus, waper lang sa 'min. Wayfer-wayfer. Mas matamis ba 'yong wayfer kaysa sa waper?" hirit pa ni Vice.

Samantala, matatandaang nasabi ni Anne sa "Fast Talk with Boy Abunda" na wala pa silang malalang away ni Vice, kahit na minsan ay nagkakaasaran sila.

Si Anne ay isa sa mga itinuturing na pinakamagagandang female celebrity sa showbiz, kaya tinatawag siyang "Dyosa."