Nasolo ng isang mananaya ang ₱87 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Martes, Agosto 8.

Sa inilabas na draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), solong napanalunan ng isang lucky bettor ang ₱87,051,450.20 ang premyo ng naturang lotto game nang matagumpay nitong mahulaan ang winning numbers na 18-22-30-55-26-05, habang may 16 na mananaya naman ang mag-uuwi ng tig-₱120,000 bilang second prize.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Samantala, walang nakapag-uwi ng premyong ₱19,066,787.80 sa Super Lotto 6/49 na may winning numbers na 45-01-28-33-19-12. Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may winning numbers na 14-24-36-37-23-41 na may kaakibat na premyong ₱5,940,000.

May be an image of ticket stub and text

Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na ibang detalye ang PCSO kung saan nabili ng lucky winner ang ticket nito.

Binobola ng Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Super Lotto ay kada Martes, Huwebes, at Linggo at tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang regular Lotto.