Humirit na naman ang social media personality na si Rendon Labador laban sa "It's Showtime" host na sina Vice Ganda at Ion Perez, nang ibahagi ng huli sa kaniyang Instagram account ang litrato nila ni Vice sa isang eksena sa concert nito.

Sa nabanggit na concert, naghalikan sa harap ng lahat sina Vice at Ion habang nakataas ang middle finger, para umano sa kanilang bashers.

Nagkomento si Labador sa comment section, sa ulat ng Balita hinggil dito.

"Delikadong i-tolerate ang kahayupan nila. Malaking epekto ito sa mga batang taga supporta nila 🤦‍♂️," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Panawagan pa niya, "MTRCB pwede bang ikulong nyo nalang tong dalawa para hnd na mag kalat sa Pilipinas?"

Photo courtesy: Rendon Labador/ Balita

Sa nabanggit na comment section ay nagbigay naman ng reaksiyon dito ang mga netizen.

"Rendon Labador agree ako na di dapat i-tolerate ang mga ganito. Bastos. Naka-middle finger pa. Wag lang ikulong. Wala naman masama sa pagiging bading basta umasta lang ng maayos. Madami akong bading na mga friends pero formal naman sila. Alam nila ang limitasyon nila lalo na kapag kaharap mga bata."

"Rendon Labador pag inggit pikit brother! Ang daming ganyan na influencers o kung ano man tawag sa inyo, bakit hindi sila ang tirahin mo? Kahit ba di kayo nalabas sa TV mapapanood pa dn kayo ng karamihan sa YT, FB, bata o matanda! Hahahaha!"

"Rendon Labador halatang kulang ka sa pagmamahal medyo kulang ka sa pansin eh."

"Rendon Labador 'yan ang mga birada... berigud ka dyan..."

Matatandaang sinita ni Labador ang dalawa matapos kumain ng cake ng icing sa daliri habang nasa "Isip Bata" segment.

Noong Hulyo 31, sinabi ng MTRCB na pinatawag nila ang producers ng show upang sagutin ang mga tanong mula sa ahensya, dahil inulan daw sila ng reklamo mula sa iba't ibang tao kaugnay ng nabanggit na viral episode ng noontime show.