Tumugon ang social media personality na si Rendon Labador sa tila patutsada raw sa kaniya ni Ion Perez sa Instagram story nito kamakailan.

Nag-post kasi ang partner ni Vice Ganda ng pahayag na "Ilabas ang resibo! Gusto ako n'yan kaya s'ya ganyan" na tumutukoy daw sa birada ng motivational speaker, na "palamunin" siya ni Vice Ganda at isa siyang bad influence sa lahat.

Tugon naman ni Rendon, oo gusto raw niya si Ion, as in gusto niyang basagin ang mukha nito.

"Oo gusto kita! Gusto kong basagin 'yang pagmumukha mong hayup ka. Suntukan tayo! G??" hamon ni Rendon.

Ion Perez, 'palamunin' daw banat ni Rendon Labador; fans pumalag

Sa isa pang Facebook post, pinagdiinan ni Rendon na hinihintay niya ang pagkasa ni Ion sa kaniyang hamon.

"ANTAYIN KO SAGOT MO!!!"

"Ayaw ko na sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo dahil duty ko ang magtama ng mga nakikita kong mali. Wala naman akong pakialam sa kahayupan ninyong dalawa."

"Pero kung ako pinaparinggan mo sa ig story mo. Yan ang hamon ko, antayin ko sagot mo."

Photo courtesy: Rendon Labador's FB

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ion o ni Vice Ganda tungkol dito.