Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo ng gabi na nakatakdang maglabas ang pamahalaan ng ₱2.95 bilyong fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers.

Ayon sa DOTr, layunin nitong mabawasan ang impact sa kanila ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na aabot sa kabuuang 1,640,000 milyong PUV drivers ang tatanggap ng fuel assistance mula sa pamahalaan, kabilang na ang mga tricycle drivers at delivery riders.

Bagamat wala pang tinukoy na petsa, tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na mamadaliin ng DOTr, sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang distribusyon ng naturang cash assistance.

“We will make sure that the assistance to our PUV drivers will be distributed immediately so they can use it, pay for their fuel and improve their daily income,” pahayag pa niya.

Sa datos ng LTFRB, lumilitaw na nasa 280,000 PUV drivers ang tatanggap ng one time cash grant mula sa ahensiya habang nasa 930,000 tricycle drivers ang tatanggap ng tulong mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Nasa 150,000 delivery service riders naman ang aayudahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang transport regulator ay mamimigay ng tig-₱10,000 sa Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) at Modern UV Express (MUVE) drivers, habang ang mga tsuper ng iba pang modes of transport ay tatanggap ng tig- ₱6,500.

Ang mga tricycle drivers naman ay mabibigyan ng tig-₱1,000 habang tig-₱1,200 naman ang matatanggap ng delivery riders.