Maraming masaya ngayon kay Kapuso actress LJ Reyes dahil finally, matapos ang ilang mga nagdaang relasyon, heto't ikakasal na siya sa isang lalaking nagngangalang "Philip Evangelista."

Sinorpresa ni LJ ang publiko nang ipamalita niya ang kaniyang engagement sa non-showbiz boyfriend noong Mayo 30, 2023. Ikinagulat ito ng lahat dahil naging tahimik ang buhay ni LJ nang tumulak sila ng mga anak patungo sa Amerika upang doon na manirahan, matapos ang pakikipaghiwalay ng aktres sa ex-partner na si Kapuso actor-TV host Paolo Contis.

Nitong Agosto 5 ay muling nagpasilip si LJ ng ilang kuhang larawan at snippets sa kanilang pre-wedding photoshoot, kuha ng Nice Print Photo.

Marami ang natutuwa para kay LJ dahil tila prince charming na hulog ng langit daw kay LJ ang mapapangasawa.

Prenup photoshoot nina LJ at Philip kinakiligan: 'In God’s most perfect time!'

Hanggang ngayon, curious pa rin ang mga tao sa pagkakakilanlan ng soon-to-be husband ni LJ dahil hindi pa ito nakakapanayam at naipakikilala sa showbiz world, pero kahit na ganoon, mukhang aprub naman sa lahat si Philip batay sa looks nito.

Karamihan sa mga netizen, positibo ang sey na mukhang hindi naman nagkamali si LJ sa napiling lalaking makakasama niya hamabuhay, at tatayong tatay sa kaniyang mga anak.

Kung titingnan daw ang mga larawan, mukha naman daw mabait, responsable, mabango, at may pleasing personality ang magiging mister ni LJ.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Happiness looks good on you. Congrats, LJ. You deserve all the goodness in the world."

"That's a real man right there."

"So happy for you Ms. Lj!!!! Nasa tamang tao ka na po. So happy for you..."

"Ang bango naman talaga tignan nyaaarn!!!! Love youuu nay! Again, I'm happy for you! Huyyy Phil paamoy naman nga hahaha."

"Mas igop po ito, congrats po!"

"Mukha naman siyang matino and responsableng lalaki. We are so happy for you, LJ! Good luck to your wedding!"

Request ng mga netizen, sana raw ay makapanayam sina LJ at Philip together, lalo na pagkatapos ng kasal nila soon!