Tiniyak ng Vietnam na patuloy pa rin ang kanilang pagsu-supply ng abot-kayang bigas sa Pilipinas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ang isinapubliko ni House Speaker Martin Romualdez at sinabing senyales lamang ito ng matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Natanggap ni Romualdez ang pangako nitong Linggo matapos makipagpulong kay Vuong Dinh Hue, pangulo ng National Assembly of Vietnam, bago pa ang pagbubukas ng 44th AIPA (ASEAN Parliamentary Assembly) general assembly sa Jakarta, Indonesia.

“Inutusan tayo ng Pangulong Bongbong Marcos na pagtuunan naming lahat ng pansin ang problemang ito at tumulong na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas dulot ng kakulangan sa suplay,"anang kongresista sa kanyang Facebook post.

“Kaya naman lubos na nagpapasalamat tayo kay Honorable Vuong Dinh Hue, President of the National Assembly of Vietnam, sa pagtitiyak sa atin na tuloy-tuloy ang pagsusuplay ng bansang Vietnam sa ating bansa ng de-kalidad na bigas sa abot-kayang presyo,"banggit pa nito.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang Pangulo sa magiging suplay ng bigas sa bansa dahil na rin sa malawakang pinsala sa mga palayan na dulot ng sunud-sunod na bagyo at sa banta na rin ng El Niño phenomenon sa produksyon nito.

PNA