Good vibes ang naging hatid ng Facebook post ni Jester Abayon, 25, mula sa Caloocan City, tampok ang pusang may malungkot na "awra" at tila nagpapaawa umano ito.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Abayon na matagal nang pagala-gala sa warehouse na pinagtatrabahuhan niya sa Malabon ang pusang si “Miming.” Dahil dito, halos sila na rin daw ang nagpapakain at nagbibigay sa kaniya ng masisilungan.

“I think stray po sya kasi kahit saan-saang part po ng warehouse ko siya nakikita,” ani Abayon.

“Actually nga po nagka-baby na din po siya, nagkaroon siya ng asawang stray cat din po at doon din po sa warehouse nanganak.”

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Noong una raw makita ni Abayon si Miming, sobrang naawa raw siya dahil mukha itong malungkot. Ngunit nang titigan ito ay para daw siyang na-“wow mali.”

“That time na nakita ko siya awang-awa ako dahil akala ko umiiyak or super nalulungkot pero noong napansin ko na part pala ng black hair niya ‘yung kunot ng noo niya natawa kami dahil nagmukhang emotion dahil sa black hair na malapit sa mata niya,” kuwento ni Abayon.

“Natawa din ‘yung iba kong katrabaho pagkakita sa kaniya. Ang nakakatuwa pa po doon grabe ‘yung titig niya sa’min na parang nagpapaawa kaya pati mga ka-work ko tuwang tuwa,” dagdag niya.

Naisipan daw i-post ni Abayon sa Facebook group na “CATS & KITTENS Philippines” ang larawan ni Miming upang magdulot din ng good vibes sa netizens.

“Nakakatuwa po dahil marami rin pong natutuwa sa pusa na pinost ko alam ko po na may ibat-ibang problema sila, and I'm happy na dahil na i-share ko po in public yung good vibes na dala po ni Miming,” ani Abayon.

“Kahit papaano kapag nakikita po nila ‘yung picture po ni Miming makakalimutan po nila ‘yung problema nila. Good vibes lang po,” saad pa niya.