Tila may payo si Lolit Solis sa actor-TV host na si Willie Revillame sa kaniyang post kamakailan.

Sa unang bahagi ng post ni Lolit, sinabi niya na kaya lang naman daw siya nagalit kay Willie ay nang dahil tanggalin umano sa trabaho si Jopay Manago, dating talent coordinator umano ng TV host.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Baka isipin Salve ng tao na sobra ako mean o salbahe kay Willie Revillame. Actually ang reason lang naman kung bakit ako nagalit eh ng alisin niya sa trabaho si Jopay Manago na dati niyang talent coordinator. Kasi nga after mawalan ng work si Jopay inilagay na siya sa Home for the Aged dahil mag isa lang siya sa buhay. Alam ko na dapat hindi ako kay Willie nagalit kundi sa mga kamag anak ni Jopay,” saad ni Lolit.

“Pero hindi kasi mabura sa isip ko na kaya nasa Home for the Aged si Jopay dahil nawalan siya ng trabaho. Dasal na nga lang ang puwede gawin for Jopay na sana maayos ang lagay niya. At sana magkaruon ng kahit konti panahon mga kamag anak niya na dalawin siya,” dagdag pa niya.

Samantala, sa parehong post, may “constructive” na payo raw si Lolit kay Willie. Aniya, ‘wag na raw ipilit kung medyo nag-“slide” na ito bilang entertainer.

“Kay Willie Revillame naman may constructive na payo naman ako, huwag ipilit kung medyo nag slide ka na as an entertainer. Hintayin mo na lang ulit na hanapin ka ng tao bago bumalik sa harap ng kamera. Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao,” aniya.

Payo pa niya, magpahinga raw muna ito at mag-isip ng bagong jokes.

“Pahinga muna. Mag isip ng mga bagong jokes. Tignan uli kung ano gusto ng manunuod. Puwede naman pahinga muna. Huwag pasok ng pasok pag di mo pa oras dahil hindi pa interesado mga tao sa iyo. Wait muna para bongga.”

Hindi ito ang unang beses na pinayuhan niya ang TV host.

Noong nakaraang Hulyo, sinabihan ni Lolit si Willie na mag-resign muna ito at bumalik na lamang daw kapag mayroon nang naghahanap sa kaniya.

Maki-Balita: Lolit sa career ni Willie: ‘Hindi na niya talaga panahon, wala na siya sa radar’