Kinakiligan at napa-sana all na lamang ang netizens sa pre-wedding photos nina LJ Reyes at non-showbiz fiancé na si Philip Evangelista.

Naka-tag sa Instagram account ni LJ ang prenup photos nila ni Philip na kinunan ng Nice Print Photo.

Ayon sa caption, ilang araw na lamang ang binibilang upang maging ganap na Mrs. Evangelista na si LJ.

"In God’s most perfect time ♥️," mababasa sa caption ng Instagram page ng Nice Print Photo.

LJ Reyes, engaged na!

"Counting the days til she becomes Mrs ♥️ Philip Evangelista and @lj_reyes New York Esession."

Pinuri naman ng mga netizen ang photoshoot dahil napakasimple lamang nito at wala masyadong pasabog.

Talagang ang sentro lamang ay silang dalawa at ang kasiyahang mababakas daw sa mukha ng dalawa, lalo na kay LJ.

"Lj deserves to be happy again 💕"

"That's a real man right there👏👏👏."

"A hearty and early congrats to LJ and Philip on their marriage! So wonderful to see this joy after LJ made the big move to the United States."

"You have a happy ending. God will always find a way. God bless you!"

"Happiness looks good on you. Congrats, LJ. You deserve all the goodness in the world ❤️"

Matatandaang noong huling araw ng Mayo ay inanunsyo mismo ni LJ ang tungkol sa engagement nila ng non-showbiz boyfriend.