National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binatikos na naman ng gobyerno ng Pilipinas ang China Coast Guard (CCG) dahil sa delikadong pagmamaniobra at pambobomba ng tubig sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) nitong Sabado, Agosto 5.

Sa Facebook post ng PCG, ang insidente ay naganap habang nagsasagawa ng supply mission ang barko nito, kasama ang iba pang bangka, sa mga sundalong sakay ng BRP Sierra Madre na nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Dala ng mga nasabing bangka ang mga pagkain, tubig, krudo at iba pang supplies.

"Such actions by the CCG not only disregarded the safety of the PCG crew and the supply boats but also violated international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), and the 2016 Arbitral Award, ayon sa pahayag ng PCG.

Dahil dito, nanawagan ang Coast Guard sa CCG na sawayin ang kanilang puwersa, igalang ang sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito, huwag gambalain ang kalayaan nito sa paglalayag at gumawa ng aksyon laban sa mga nasa likod ng insidente.

"We ask that China Coast Guard, as an organization with a responsibility to observe state obligations under UNCLOS, COLREGs, and other relevant instruments of international maritime safety and security, to cease all illegal activities within the maritime zones of the Philippines," dagdag pa ng PCG.