Pinag-iingat ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko laban sa mga nagpapanggap na liaison officer ng Department of Transportation (DOTr) upang makapanloko.

Reaksyon ito ni LTO chief Vigor Mendoza kasunod na rin ng pagkakaaresto ng isang lalaki sa Muntinlupa City kamakailan dahil sa reklamong large-scale cybercrime estrafa matapos umanong magpakilala bilang liaison coordinator ng DOTr.

Naiulat na aabot sa ₱405,000 ang hiningi ng suspek sa isang negosyante bilang processing fee matapos mangako na kaya niyang ilakad ang licensing at registration ng mga sasakyan nito sa LTO para magamit sa franchise business.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“I am reminding everyone to remain vigilant against these individuals who are pretending to be liaison officers and tricking the public for money. Maging mapanuri kayo at mag-doble ingat sa pakikipagtransaksyon upang hindi mabiktima ng ganitong mga klase ng scam,” anang opisyal.

“We will not tolerate this kind of illegal activities. Alam naman ng publiko na sa mga opisina lamang ng LTO sila dapat nakikipag-transact at hindi sa kung sinu-sino lamang. Marami sa ating mga kababayan ang hindi na nagdadalawang-isip sa panloloko dahil lamang sa salapi kaya dapat mag-ingat tayo,” pahabol pa ni Mendoza.