“2009 to forever…”

Nag-share si beauty queen-actress Lara Quigaman ng before-and-after photos kasama ang asawa niyang si Marco Alcaraz at ang newlyweds na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

“What's meant to be, will be ❤️ 2009 to forever…,” saad ni Lara sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Agosto 4.

Matagal na umanong magkaibigan sina Lara at Maja na nagkasama sa Kapamilya seryeng “The Killer Bride” na ipinalabas noong 2019.

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

Samantala, nagbigay naman ng komento si Rambo sa nasabing post ni Lara.

"Aww! Then and now, still together,” saad ni Rambo.

Matatandaang kinasal sina Maja at Rambo noong Hulyo 31 sa Bali, Indonesia.

MAKI-BALITA: Maja Salvador at Rambo Nuñez, kinasal na!

Taong 2010 nang unang mag-date sina Maja at Rambo ngunit nauwi ito sa hiwalayan.

Napabalita naman ang pagbabalikan ng dalawa noong 2019, hanggang sa inanunsyo na nga ng couple ang kanilang engagement noong Abril 2022.

MAKI-BALITA: Dabarkads Maja Salvador, engaged na!