Tila ipinagdiwang ng "Eat Bulaga!" host at producers ang balitang ni-renew ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang trademark at logo registration ng nabanggit na noontime show, sa ilalim ng pamamahala ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.).
Ibinahagi ng finance officer nito na si Seth "Bullet" ang ilang containers ng "seafood paella" na ayon sa kaniyang caption ay mula kay Kapuso actor-host Paolo Contis.
"Thanks Paolo," caption ni Jalosjos sa kaniyang Instagram story.
Sa isa pang Instagram story, ibinahagi niya ang tila "harutan" ng hosts sa studio, na may caption na "Good vibes lang!"
Sa isa pang litrato, makikita naman ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan ng mga host, guest co-hosts at producers ng show.
Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, natanggap ng kanilang kampo ang Certificate of Renewal of Registration para sa Eat Bulaga! trademark, at ang bisa nito ay hanggang 2033 pa.
"TAPE Inc. renewed its registration and we are happy na na-issue na ang Certificate of Renewal which makes TAPE Inc. the continuous owner of the name Eat Bulaga! and EB and its logos until 2033," pahayag ng abogado, ayon naman sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP.
"Importante ito kasi kumbaga sa lupa, ang Certificate of Registration and in this case, the Certificate of Renewal of TAPE Inc., ay ang titulo to prove its ownership over the trademark Eat Bulaga!" dagdag pa ng legal counsel.