Mixed emotions ang Kapamilya host na si Robi Domingo sa contract signing niya sa ABS-CBN, ang nagsilbing home network niya simula nang maging housemate siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus" noong 2008, hanggang sa tuluyan na ring pasukin ang mundo ng showbiz, at nalinya sa hosting stints.

Kung sa tuwing may contract signing ng stars sa Kapamilya network ay siya halos ang kinukuhang host, this time, si Robi naman ang sumalang sa renewal of contract.

Inihambing ni Robi ang kaniyang nararamdaman sa "tug-of-war," isang uri ng larong naghihilahan sa isang malaki at makapal na lubid patungo sa isang direksyon.

Tila masaya si Robi sa kaniyang contract signing dahil ipinaramdam umano sa kaniya ng ABS-CBN ang halaga niya sa kompanya, subalit tila malungkot at nag-aalala ang host sa health condition ng kaniyang fiancée na si Maqui Pineda, na habang isinusulat ang balitang ito ay nasa ospital pa rin.

Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease

Galing mismo kay Maqui na siya ay may rare autoimmune disease na tinatawag na "dermatomyositis."

"What was supposed to be an exciting year of wedding planning, preparing for a new home and working on my career, life had other plans for me… I got sick," pagbabahagi ni Maqui sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Agosto 4.

"I have a rare autoimmune disease called Dermatomyositis that causes muscle weakness, inflammation and a skin rash."

Sa comment section ng kaniyang IG post ay nagkomento naman dito si Robi.

"Really proud of your progress and your courage. You got this. Everyone is here for you and with you. Gotchu maiqs."

Sa kaniyang X account (dating tawag sa Twitter), inilabas ni Robi ang kaniyang saloobin hinggil sa mga nangyayaring ito.

"What an emotional day."

"This moment has given me a deeper appreciation of what it is to be a KAPAMILYA. I just couldn't stop thinking about my fiancé and her condition while signing this contract. There has been that tug-of-war of feelings so maybe that's why the flood gates just kept pouring."

"Thank you to ABS-CBN for keeping me home and choosing me. I am at my best because of you. ❤️💙💚"

"Maiqs, whatever happens, I choose you. Can't wait to sign our contract. 😉"

Ang tinutukoy na "contract" ni Robi sa dulo ay tila ang kanilang "wedding contract" dahil nga sa nakatakda nilang kasal, na nababalam ngayon ang preparasyon dahil sa kondisyon ni Maqui.

https://twitter.com/robertmarion/status/1687393908714819585

Sa comment section ng kani-kanilang posts ay bumaha naman ng encouraging words mula sa kanilang mga kaibigan at kasamahan sa industriya, maging sa karaniwang netizens.

"Praying for your fast recovery po ate 🤍🙏🏼," anang Maymay Entrata.

"Prayed for you, Maiqs! You [got] this!!" sey naman ng host na si Justin Quirino.

Naglapag naman ng pulang heart emoji si "Dirty Linen" star Janine Gutierrez. "Love you maiqs!!!!!"

"Get well soon!" saad naman ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda, na nakasama ni Robi sa "Idol Philippines" season 2 kamakailan.