Marami ang napa-wow at excited nang mapanood ang official at full trailer ng pelikulang "A Very Good Girl," ang unang proyektong pinagsamahan nina Golden Globes Best Supporting Actress nominee Dolly De Leon at Outstanding Asian Star ng 2023 Seoul International Drama Awards na si Kathryn Bernardo.

Curious ang mga netizen lalo na ang mga tagahanga ni Kathryn dahil naiiba ang role dito ng Kapamilya superstar.

Marami ang na-mesmerize sa angking-ganda ni Kath na ibang-iba sa naging pagganap at pananamit ng karakter niya sa "Hello, Love, Goodbye" noong 2019, na may hawak ng titulong "highest-grossing Filipino movie of all time" sa panahong pre-pandemic.

Nagulat din ang mga netizen sa malutong na pagmumura ng karakter dito ni Kath na "Put*ng-ina!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa panig naman ni Dolly, ito ang kauna-unahan niyang local movie na isa siya sa lead stars. "Long overdue" nga raw dahil kung hindi pa siya na-recognize sa ibang bansa ay hindi siya mabibigyan ng spotlight na bumida sa isang pelikula.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Teaser pa lang ang ganda naaaaaaa"

"It gives a Cruella and Devil Wears Prada vibes!"

"Kathryn is giving, my gad!"

"Dolly De Leon is mothering!"

"Ang tagal naman mag-September! Excited na kami, parang naiibang Kathryn nga ito..."

"Kweens Kathryn and Dolly, pasabog!"

Mapapanood ang pelikula nina Dolly at Kathryn sa Setyembre 2023.