Pinatutsadahan ng social media personality na si Rendon Labador ang showbiz columnist na si Cristy Fermin matapos daw siyang magulat na "buhay" pa pala ang huli, ayon sa kaniyang Instagram story.
Tila nagparinig kasi si Cristy sa isang "tolongges" na mahilig daw makisawsaw at maki-angkas sa mga isyung kinasasangkutan ng sikat na celebrities.
Wala mang pinangalanan, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Rendon Labador.
Sa kaniyang pasaring, ikinatindig-balahibo raw ni Rendon ang pagkakita kay Cristy dahil akala raw niya, multo ang nakita niya. Buong pagkakaalam daw niya ay patay na raw ang showbiz insider.
"Akala ko multo amp! Buhay pa pala 'yan?”
“Napamura ako, sorry! Goosebumps ako... Akala ko talaga patay na 'to, tumayo balahibo ko sa kamay. Legit ba 'to???”
“Matapang tayo pero kapag multo na kalaban mo eh ibang usapan na 'yan. Kinabahan ako amp."
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Cristy kaugnay nito.