Ipinagtanggol ni "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros ang panganay na anak na si "Mela Francisco" matapos itong sitahin ng netizens dahil sa biro nito sa kaniya.

Hindi nagustuhan ng netizens ang sinabi ng panganay na anak na mukhang unggoy pa rin ang ina, kahit na bumili at gumamit na ito ng beauty products.

Oo raw at nagdudulot ng good vibes sa social media ang pamilya ni Melai, subalit minsan daw ay tila nawawala na sa boundaries ang pagbibiro ng mga anak sa kanilang ina.

Kaya naman, agad na naglabas ng Instagram post si Melai upang depensahan ang anak.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Aniya, joke lang iyon ng anak at pinalaki niyang mabuting mga bata sina Mela at Stela.

"Mga Kamsamii di na sana ako magreact pero pag anak na ang pag usapan di pwede guyssssssss , kasi bata lang ang anak ko guys . Di ako papayag na kng anu anu sasabihin nyu sa anak ko dahil ako ang dumidisplina sa mga anak ko ,kilala ko mga anak ko madasalin mga yan pati mundo pinagdarasal nga ng mga yan 😘🙏🏻."

"Disiplinado mga yan at Masayahin , alam nga mga anak ko guys kung kailan ang kulitan at kailan ang seryosohan . Sa mga seryoso macyado sa role nila sa buhay magstretching dn kayu guys importante ang happiness and enjoyment sa pagsasama nyu sa buhay 😘😍, Wag nyu kalimutan mag enjoy sa guys✅🥰 Sa mga nakakaintini naman sa kulitan nmin, Kamsamiiii sa inyo 😍😘🥰🥰🥰🥰🥰 SarangeyoOoO 😍 "

"Sa mga hindi nakakaintindi , Maiintindihan nyu rin kami pagdating ng panahon , panoorin nyu nalang kami araw araw para umabot na kayu sa punto na naiintindihan nyu na kami at masasabi nyu "ahhhhhh ganun lang pala tlaga sila " 🥰👍 Love You Mga Kamsamiiiiiiiii ❤️," dagdag pa ng host-comedian.

Sa kalakip na video, sinabi ni Mela na joke lang ang nasabi niya sa kaniyang mama.

"Do you mean it?" tanong ni Melai sa anak.

"Hindi... prank... joke lang 'yon." sagot naman ni Mela.