National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Umabot na sa ₱275 milyon ang nailabas na ayuda ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa.

Ito ang isinapubliko ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Director Michael Christopher Mathay sa idinaos na pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

“The total cost of humanitarian assistance is 275 million plus pesos. This is provided by DSWD, LGUs, NGOs and other partners. And inyong available relief resources naman natin ay halos nasa P2.2 billion. These are standby funds, quick response funds,” anang opisyal.

“This is cash and iyong cost of stockpiles natin. Ito iyong mga food and non-food items. Iyong food times is iyong family food packs. Tapos iyong non-food items ay iyong mga kitchen kits, hygiene kits, sleeping kit, and family kit (containing clothes for the whole family),” pahayag ni Mathay.

Paliwanag nito, nasa ₱1.8 bilyon ang halaga ng stockpile at tinukoy na aabot sa 3.2 milyong residente ang apektado sa mahigit 5,000 barangay.

Kabilang aniya sa nakinabang sa ayuda ang mga taga-Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western, Eastern, Central Visayas, Davao region, Soccsksargen, at CAR (Cordillera Administrative Region).