Milyun-milyong premyo ang naghihintay sa mga manananaya ng lotto ngayong Friday draw, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“O, baka naman wala ka pang ticket, aba! Baka abutan kang tulog ng jackpot sa pansitan, sayang yon kaibigan!” saad ng PCSO nang ilabas nila ang jackpot estimates nitong Huwebes.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sa nasabing estimates, papalo na sa ₱75 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58 habang ₱33 milyon naman ang Mega Lotto 6/45.

Kaya naman abiso ng PCSO ay magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet dahil sa halagang ₱20 ay maaari nang maging instant milyonaryo.

May be an image of 1 person and text