Trending ngayon sa social media ang videos kung saan makikita ang muling pagsasama ng socmed personalities na sina Michelle Dy at Angel Dei.

Sa unang Tiktok video ni Michelle nitong Huwebes, Agosto 3, makikita ang tila masayang pag-reconcile nilang dalawa ni Angel.

“I hope we healed a lot of hearts today,” mababasa sa isa pang ">TikTok video ni Michelle nitong Huwebes.

“If you’re going thru the same, trust that everything has its own timing, no need to force. And when it happens, it will feel right,” saad pa nito.

Boss Toyo, nanawagang isabay ang 1k relief packs sa mga pupuntang Bicol

Kasabay ng nasabing TikTok videos ay nag-post din si Michelle sa platapormang X (Twitter) nitong Huwebes.

“The world is healing,” tweet ni Michelle.

Agad namang nagtrending ang muling pagsasama umano nina Michelle at Angel makalipas ang ilang taon. 

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Wow angel dei and michelle dy in one frame???? THE WORLD IS HEALING.”

“Owshie michelle dy at angel dei comeback.”

“Michelle Dy and Angel Dei in one frame this 2023 heals my college heartbreak omg ♡.”

“I literally don't know how I feel after seeing what Michelle Dy posted on Tiktok with Angel Dei. My mamshie heart is so happy. This is the only comeback we've been waiting for, and we accept it wholeheartedly.

“Seeing Michelle Dy and Angel Dei in one frame is the best comeback of the year yeyyyyy.”

Matatandaang Enero ng 2020 nang mag-trending ang isang post ng umano’y pag-“left out” kay Michelle ng circle of friends nito kung saan kasama si Angel.

Gayunpaman, wala pang malinaw na paliwanag kung ano nga ba nangyari sa pagitan nina Michelle at Angel noon.