Bumisita si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa Animal Kingdom Foundation (AFK) sa Tarlac kasama ang asawa niyang si Matteo Guidicelli at ilang fans para sa kaniyang late birthday celebration.

Sa isang Facebook post noong Martes, Agosto 1, nagbahagi ang AKF ng ilang mga larawan kung saan makikita rin ang pag-aalaga ni Sarah sa sheltered animals doon.

“Still, we cannot get over her kindness and humility,” anang organisasyon.

Ayon sa AKF, ito ang ikalawang beses na bumisita si Sarah sa kanilang Rescue & Rehabilitation Center.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“She was ready to get her hands dirty and doesn’t mind having dog hair on her clothes! She is an idol indeed. 😍,” kuwento ng AKF.

“She inspired her fans to support animal welfare advocacies, now that’s how to properly use influence.”

Samantala, sa naunang Facebook post ng AKF noong Hulyo 30, makikita rin ang pagsurpresa raw ni Sarah sa kaniyang fans sa birthday fundraising initiative ng mga ito na “Project Pawsters.”

Mahigit 30 “Popsters” umano ang bumisita sa animal shelter para magbigay ng kanilang donasyon para sa mga na-rescue na hayop.

“What an amazing day full of fun & purpose, graced by no other than Asia’s Popstar Royalty - Sarah G, together with the equally amazing husband Matteo Guidicelli. ,” anang AKF.

“Thank you pawsome people! We love you all. ,” saad pa nito.

Ipinagdiwang ni Sarah ang kaniyang 35th birthday noong Hulyo 25.