Hinangaan ng mga netizen ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero matapos nilang ibida ang pagiging asintado nila sa pagpapaputok ng baril.

Makikita sa Instagram post ni Heart ang session nila ni Chiz sa kanilang gun firing activity. Ang mister ng Kapuso star ang mismong gumabay sa kaniya sa pag-asinta.

"Firing," tanging caption ni Heart sa kaniyang Instagram post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"You can’t put a tough girl down! Fire all the ahas..."

"pov: someone maxed out your credit card without your permission"

"She's hot asf! I died on that long range shots! For those saying na she didn't hit all short range shots, yung natamaan niya ang malayong targets, mas nakakatakot yun!"

"AYAN NA SIYA SWEET REVENGE PARA SA MGA AHAS SA PALIGID"

"LOVE THE CHARACTER DEVELOPMENT"

Kamakailan ay usap-usapan ang isyu umano ni Heart sa kaniyang dating glam team, matapos mapansin ng mga netizen na tila hindi na ang mga dating kasama ang nag-aayos sa kaniya.