“You deserve the world.”

Nagbigay ng sweet message si Janella Salvador kay Maja Salvador na kinasal na kay Rambo Nuñez noong Hulyo 31 sa Bali, Indonesia.

MAKI-BALITA: Maja Salvador at Rambo Nuñez, kinasal na!

Sa kaniyang Instagram Story nitong Miyerkules, Agosto 2, sinabi ni Janella na si Maja ang isa sa pinakamabubuting tao na nakilala niya sa kanilang industriya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Courtesy: Janella Salvador/IG screengrab

"You might say I'm biased, but my Camila is genuinely one of the most beautiful souls in this industry,” ani Janella. “Always ready to give. Always ready to share her wisdom."

"So witnessing this beautiful moment and how she finally found the love that she deserves in @rambonunez just makes me so soft and giddy. Thank you Kuya Rambo for being THAT guy," dagdag niya.

Camila ang pangalan ng karakter ni Maja sa Kapamilya seryeng "The Killer Bride” na ipinalabas noong 2019, habang Emma naman ang pangalan ng karakter ni Janella. Mag-ina ang dalawa sa nasabing serye.

"I love you forever and ever @maja you deserve the world,” mensahe pa ng aktres sa newlywed.

Bukod dito, nag-post din si Janella sa kaniyang Instagram account ng mga larawan at video ng kasal nina Maja at Rambo sa Indonesia.

MY PARENTS!!! ARE!!! MARRIED!!! I love them so 💘💍,” caption ni Janella.

Nagkomento naman ang bagong kasal sa nasabing post.

“We Love You My Emma 🤍,” ani Maja sa comment section.

“We love you and you know the rest 🤍,” komento naman ni Rambo.