Ibinida ni Unkabogable Star Vice Ganda ang relasyon nila ng partner at "It's Showtime" co-host na si Ion Perez, sa kabila ng kontrobersiyang ipinupukol sa kanila ngayon, kaugnay ng pagsita ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa kanilang naging lambingan sa "Isip Bata" segment kamakailan.

Nagbakasyon muna sa loob ng dalawang araw ang mag-partner kaya hindi sila napanood sa noontime show simula noong Miyerkules, Agosto 2, 2023.

Sa kaniyang latest Instagram post nitong Agosto 3, muling ibinida ni Vice ang litrato nila ni Ion nang "magpakasal" sila sa Amerika.

Ani Vice, "revolutionary" ang kuwento ng kanilang simpleng pag-iibigan, at mananatili siyang proud dito kahit sa kaniyang next life.

MTRCB, ipinatawag ang It’s Showtime producers hinggil sa umano’y ilang eksena nina Vice, Ion

"Ours is not just a simple love story. It’s revolutionary. Something i will always be very proud of. Even in my next life."

Sa comment section naman ay makikitang suportado ito ng kaniyang kaibigan at co-host na si Jhong Hilario at dating Hashtags member Zeus Collins.

Bumaha rin ng support at encouraging words mula sa netizens para sa dalawa.

"Always keep your chin up, Vice. We love you."

"Kabahagi mo kami sa rebolusyon na pagmahahal ang tanging sandata🏳️‍🌈."

"We are behind you Vice and Ion!"

Samantala, wala pang desisyong inilalabas ang MTRCB kung mapapatawan ba ng sanction ang It's Showtime dahil sa mga warning na kinaharap nito.

Ang una ay patungkol sa "wardrobe malfunction" ng actress-dancer na si Regine Tolentino.

Pangalawa at latest, ang pagkain ng cake icing sa daliri nina Vice at Ion habang nasa Isip Bata segment.