Sunod-sunod na naman ang pag-ulan dahil sa pinagsama-samang epekto ng bagyo at habagat, kaya pangunahing kagamitan ngayon ng mga tao ang iba't ibang pananggalang sa ulan upang hindi mabasa't magkasakit gaya ng sumbrero, kapote, at ang pinakapopular ay payong.

Dahil dito, ilang netizens ang tila nadidismaya dahil pati raw payong, "nagkakanakawan" na rin.

Viral ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Angelo Cruz" matapos niyang ibahagi ang pagpalit sa de-pindot niyang payong ng kung sinumang nagmamay-ari naman ng manual na payong, nang malingat lamang siya at mailapag ito sa isang sikat na fastfood chain sa Maynila.

Aniya sa kaniyang post, "Kung sino ka man na nagpalit ng payong kong automatic sa payong mong manual, makonsensya ka sana. Tatlong araw na akong nagpapanggap sa harap ng nanay ko na pinipindot ko ito para bumukas."

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Photo courtesy: Angelo Cruz' FB via Publiko

Nagdulot naman ito ng katatawanan sa social media at nagbahagi na rin ang ilang mga netizen sa kanilang karanasan.

"Parang kami after namin kumain sa (pangalan ng fastfood chain) naiwan lang namin saglit yung automatic na payong, pagbalik namin wala na haha."

"Ingat sa mga payong. Tag-ulan ngayon kaya either mawala or mapalitan payong! Yung sa anak ko, sa bahay mismo nawala! One time may humiram nung pauwi na, di na binalik. Tapos one time naiwan sa terrace, nawala rin. At last time, naiwan sa likod bahay, nawala pa rin!"

"Paging Raffy Tulfo in Action hahaha."

"True 'yan, pati payong pala now dapat ingatan hahaha."

"Ako rin pero lagi lang talaga akong nakakawala ng payong hahaha."

"Lagi kong naiiwanan ang payong ko somewhere at talagang nawawala ha. It means talagang valuable din ang payong."

Kaya ingat-ingat sa payong lalo na sa panahon ngayon!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!