Kinaaliwan ng mga netizen ang naging panayam ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque kay Jessica Soho kamakailan, sa kaniyang award-winning news magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho."

Tumatak kasi sa mga netizen at nagawan pa ng memes ang naging sagot ni Dominic nang tanungin siya ni Jessica kung ilang anak ang nais nilang mabuo ni Bea kapag mag-asawa na sila.

Sey ni Bea, bet niya ang maraming anak pero 35-anyos na siya at baka hindi na niya kayanin ang pagbubuntis at panganganak.

"Gusto namin maraming [anak] pero 35 na po ako," anang Bea.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"May mga ilang years pa. Siguro kaya po namin walo," hirit naman ni Dominic.

Nang tanungin naman ng batikang news anchor tungkol sa tiyak na petsa ng kasal, wala pang ibinigay na detalye ang dalawa, subalit mukhang sa susunod na taon na raw.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ang suwerte ng mga magiging anak nito..."

"Glowing talaga ang babae pag minamahal ng tama, sobrang ganda ni Bea lalo."

"Ang sipag pala ni Dominic, sana all hahaha."

"Kung ganyan kagaganda at kagaguwapo ang lahi, go, humayo kayo at magparami!"

Kahit ang sikat na online personality na si "Senyora" ay pinagkatuwaan din ito.

"Sige ok lang."

"Mareng Jessica shat tayo pwede ka ba? Soju lang. Jessica soju tara."

Samantala, inurirat ni Jessica sa panayam ang kuwento sa likod ng love story ng dalawa.

Kamakailan lamang ay natuwa ang BeaDom fans nang finally ay mag-propose na si Dom kay Bea.

http://