Ipinagtanggol ng award-winning actress na si Dolly De Leon ang kaniyang co-star sa pelikulang "A Very Good Girl" na si Kathryn Bernardo nang maisyu itong gumagamit ng vape o e-cigarette.

Sa panayam ni Cristy Fermin sa aktres, sinabi ni Dolly na para lamang sa kanilang pelikula ang nabanggit na paghithit ng vape. Ito kasi ay kasama sa kaniyang kakaibang karakter na malayo sa naging papel niya sa mga nagdaang pelikula at serye.

Bago si Dolly, nauna nang naipagtanggol ni Cristy si Kathryn matapos umanong madismaya ang kaniyang mga tagahanga.

Nasubaybayan daw ng showbiz columnist ang paglaki ni Kathryn, at kilala niya ito kahit noong bulinggit pa ito, at masasabi niyang hindi nagyoyosi ang aktres.

Cristy pinagtanggol si Kathryn: 'Umiinom siya pero hindi nagyoyosi!'

"Never po, never. Hindi po siya nagsisigarilyo,” anang Cristy.

Bagama't hindi nagyoyosi ay "ocassional drinker" naman daw ang aktres.

“Painom-inom kapag may okasyon. Umiinom naman siya. Pero never ko siya nakita o ninuman na nagyoyosi."

"One time, sa sobrang pag-inom nakalimutan niya ang bag niya kung saan niya inilagay," kuwento ni Cristy sabay tawa.

"Hanap siya nang hanap. Pero yung pagyoyosi? Malayo sa katotohanan."

"Sana nahihiwalay po natin ’yong trabaho sa pagkatao. Role po n’ya ’yon na nagbi-vape s’ya. Gumagamit siya ng vape dahil sa role niya. Hindi po siya nagyoyosi. Never! Naku si Kathryn pa,” pagdidiin pa ni Cristy.

Bukod kay Cristy, ipinagtanggol din ni Ogie Diaz ang aktres.

"Ilang taon na si Kathryn para idikta natin sa kaniya kung ano yung gusto natin na gawin niya," anang Ogie.

Parang hindi raw sanay ang mga tao na ang mga kagayang big stars ni Kathryn na may sweet image ay makikitang naninigarilyo o umiinom ng alak.

Inihalimbawa pa ni Ogie si Popstar Royalty Sarah Geronimo na kapag narinig daw na napamura ay nasho-shookt ang mga tao.

&t=2733s