Nakatakda nang ipamahagi ang natitirang 670,000 plaka ng mga sasakyan sa Cebu, ayon sa pahayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkules.

Sa Facebook post ng LTO, ang hakbang ng ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza, handa na ang mga pasilidad ng ahensya sa distribusyon ng naturang unclaimed license plates.

“Gusto natin, inihahanda na natin ang kapasidad ng ating mga opisina dito, gaya sa Cebu, para pagdating ng mga plaka, dating ng mga license plates eh maganda ‘yung distribution systems natin dito,” anang opisyal.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Handa na aniya ang mga sistema ng ahensya kaya hindi na dapat idaan pa sa mga fixer ang pagkuha ng license plates o kahit driver's license card.

“Ito isang ehemplo lang, itong lugar na ‘to, in the development of one-stop shop facilities, para ang tao 'di na kung saan-saan, mapapadali ‘yung ating proseso, hindi na sila kailangang humingi ng tulong sa mga fixers. Sila mismo kaya na nilang gawin,” aniya.

Inaalam na rin aniya ng ahensya ang mga dahilan kung bakit na naka-imbak ang mga license plate sa lugar.