Kaugnay pa rin ng paninita ng social media personality na si Rendon Labador kina Vice Ganda at Ion Perez, sinabihan ng una ang huli na ito raw ay "palamunin."

Sa kaniyang video noong Hulyo 27, bukod kay Vice Ganda ay sinabihan din ni Rendon na "palamunin" ang partner ng Unkabogable Star.

"Ikaw Ion Perez isa ka pa, palamunin ka na nga, ganyan ka pa," talak ni Rendon.

"Palamunin ka na nga, bad influence ka pa."

Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: 'Huwag sa show ng mga bata!'

Bukod kina Vice Ganda at Ion, binanatan din ni Rendon sa nabanggit na video ang ABS-CBN, It's Showtime, at MTRCB.

Palag naman ng ilang fans nina ViceIon, hindi palamunin ni Vice Ganda si Ion Perez dahil may sarili daw itong pera.

"May sarili pong pera si Ion, may sarili po siyang suweldo."

"Grabe naman yung palamunin... alam ko may pera naman sarili si Ion..."

"If this is how a motivational speaker speaks, I'd rather be demotivated. I understand your point but there are appropriate words to correct them."

"Grabe ka naman sa palamunin si Ion. Nagtatrabaho naman s'ya. Kaya wag ka magsabi na palamunin. Pasikat ka."

"Lakas makasabi ng makapalamunin kay Ion 'tong si Rendon. G na g di mo naman pinalamon yung tao kung ayaw mo makakita ng ganyan pumikit ka na lang siguro..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ion hinggil dito.