Kinuyog umano ng bashers si "Eat Bulaga!" host Buboy Villar matapos niya raw alisan ng mikropono ang isang lolang naitampok nila sa segment na "G sa Gedli," dahil ang pinasalamatan nito ay ang dating hosts na sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon o mas kilala bilang TVJ.

Nangyari umano ito noong Hulyo 29 kung saan isang lola ang nabiyayaan ng ayuda, nang mag-ikot sila sa LRT.

Hindi umano nagustuhan ng mga netizen ang ginawang "kabastusan" ni Buboy.

Maging si Cristy Fermin ay napanood ito, at nabanggit nga niyang ginawa ito ng host. Habang nagsasalita raw ang lola ay inalis umano ni Buboy ang mikropono dahil TVJ na naman ang mabibigkas at mapasasalamatan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinagpiyestahan naman si Buboy ng iba't ibang vloggers at napag-usapan ang kaniyang ginawa.

Dalawang "kabastusan" daw ang ginawa ng host. Una raw, nagsasalita pa ang senior citizen subalit hindi na pinatapos dahil daw inalisan ng mikropono.

Pangalawa naman daw, para sa TVJ na dating mga host ng programa.

Ngunit ayon naman sa ilan, baka iyon daw lamang ang utos sa kanila ng management, at baka sumusunod lamang sa utos ang host.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Buboy tungkol dito.