Ipinabatid ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang "Sharonians" sa social media na inunfollow na niya ang karamihan sa kanila, sa kadahilanang "apaw" na o puno na ang kaniyang Instagram accounts ng mga netizen na fina-follow niya.

Ang siste, pina-follow rin pala ni Mega ang social media accounts ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

"So sorry about this pero kailangan kong gawin! I love you! Please understand…" caption ni Shawie.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kalakip nito ang screenshots ng kanilang paliwanag kung bakit kailangan niya itong gawin.

"I love you very much but I have to do this!" anang actress-singer.

Marami naman sa mga netizen ang walang "bad blood" sa ginawa ni Mega.

"Ay! Basta ako walang problema po sa akin, naiintindihan ko po ang ating mahal sa buhay, kasi naniniwala po ako ang TUNAY daw ng pagmamahal ay di dapat pinagkakalandakan o pinapakita, bagkus ito ay pinaparamdam sa HAPLOS ng pagmamahal sa pamamagitan ng DASAL. Ingat po lagi kayo, kayo po ang natitirang KALIGAYAHAN ng buhay ko. Simula na nawala ang aking Ina ay kayo na lang po ang nagpapawi ng kalungkutan, salamat sa Instagram dahil Dito po kita nakikita. Ingat po kayo lagi and God bless po."

"You don't have to say sorry po Ms. Sha, having a little interaction with you by liking our comment already melts our heart , alam namin na love mo na kami nun as your supporter."

"Truly understandable."

"The only artist na nag-aapologize sa fans. Love you Ms. Mega! Pure heart talaga!"

Sa ginawa raw ni Mega, patunay lamang daw nito na may mataas na pagpapahalaga at pagmamahal siya sa kaniyang Sharonians.

Sharonians ang tawag sa kaniyang mga die hard fans and supporters simula pa noong nagsisimula siya sa showbiz.