Agad na nagbigay ng reaksiyon at komento ang sumitang social media personality na si Rendon Labador sa ginawang pananaway ni Unkabogable Star Vice Ganda sa isang babaeng contestant na nagbitiw ng salitang "chorva," bilang paglalarawan sa ginawa nila ng kaniyang mister nang nagdaang gabi.

Nangyari ito sa live telecast ng "It's Showtime," sa segment mismo na "Isip Bata" ngayong Martes, Agosto 1, kung saan napatawag tuloy ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang producers ng show, dahil daw sa reklamong "indecent acts" nina Vice Ganda at partner niyang si Ion Perez.

Natanong naman ni Vhong kung may asawa na siya.

"Meron po! Kagabi lang, nag-chorva kami..."

'Chumorva kagabi!' Vice Ganda sinaway agad ang ginang na kalahok sa 'Isip Bata'

Kitang-kita naman ang pagbabago sa reaksiyon ng mukha ni Vice Ganda.

Pero bumawi naman ang kalahok.

"Kumain sa labas..." aniya.

"Yessssss!!!! Ate konting kalma ha, may issue pa kami," hirit ng komedyante.

"Ay! Sorry na po," hingi ng paumanhin ng kalahok.

Agad na naiulat ng Balita ang nabanggit na senaryo, at mabilis din namang nag-react si Labador sa comment section.

"Nagagamit na ni Vice ang utak niya. Magandang senyales ito para sa Pilipinas! Public Apology na lang kulang okay na okay na ako!! #StayMotivated," ani Labador.

Rendon Labador (Photo courtesy: Richard de Leon's Balita)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Vice Ganda, pamunuan ng It's Showtime, ABS-CBN, at maging ang MTRCB hinggil dito.