Awang-awa raw si Lolit Solis kay Paolo Contis dahil ito raw ang tumatanggap ng lahat “suntok” o bashing na nakukuha umano ng “Eat Bulaga.”

“Alam mo Salve, awang awa naman ako kay Paolo Contis. Siya ang punching bag ng grupo nila sa Fake o 2nd Bulaga. Kasi nga siya ang pinaka parang leader ng grupo kaya siya ang tumatanggap ng lahat ng suntok o bashing. Ok lang basta hindi nakakapikon ang mga salita, pero mas madalas na hindi mo na halos matanggap ang binibitiwan nila against Paolo Contis. Whatever the reason, sige palampasin na lang,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hulyo 31.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Basta gusto niya ginagawa niya, masaya siya sa grupo niya, go lang. Eh ano ba kung siya ang sacrificial lamb. Ok lang na taga tanggap siya ng bashing at puna. Trabaho lang, walang personalan,” dagdag pa niya.

Binanggit din ng batikang showbiz columnist na mapunta sana raw sa mabuti ang bawat talent fee na kinikita ni Paolo sa noontime show. Aniya, mabili raw sana nito ang pangarap nitong bahay. 

“Sana lang maisip ni Paolo Contis na dahil sa sakripisyo niya sa programa, iyon sanang kikitain niyang TF mapunta sa mabuti. Sana ngayon makabili na siya ng bahay, at maging maayos na ang kanyang buhay. Sakit sa dibdib ang isa sa nakuha niya dito sa Bulaga, sana bigyan din niya ng Bulaga ang buhay niya. Mabili na sana niya ang bahay na matagal na niyang pangarap kung saan puwede niyang dalhin mga mahal niya sa buhay. Sige lang, trabaho lang,” aniya.

Sana raw ay mas matatag na buhay ang kabayaran ng lahat ng binabatong bashing kay Paolo. 

“Mas matatag pang buhay sana kabayaran ng lahat ng bashing na binabato kay Paolo. Salamat na lang at maluwag niyang natatanggap. Siguro nga at nagawang matigas na ang puso niya sa tagal niya sa showbiz, kaya nakakaya niya ang lahat,” anang talent manager. 

Samantala, may mensahe naman siya sa EB host.

“Just look up Paolo Contis, your head high , and stay focus. Be a man of honor, do what you think is right, and move forward. Salute.”