Walang nanalo sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi kung saan aabot na sa ₱63.2 milyong ang jackpot nito.

Hindi nahulaan ang winning combination na 48-29-10-49-52-16, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Mahigit sa ₱63.2 milyon ang jackpot sa naturang draw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon sa PCSO, binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Matatandaang sinabi ng PCSO na huling napanalunan ang jackpot ng Ultra Lotto nitong Hunyo 30, 2023 kung saan isang lalaking taga-Nueva Ecija ang nag-uwi ng ₱366.6 milyong premyo.