Nakakaloka ang pinag-usapang isyu nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez hinggil sa mag-ex couple na sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes, sa kanilang showbiz vlog na "Showbiz Now Na," sa latest episode nito, Hulyo 29.

Tungkol umano ito sa "pasabog" ng kampo ni Ricci patungkol kay Blythe.

Kumakalat daw ang tsikang kung nasabi raw ni Andrea ang tungkol sa isang ex-boyfriend na hindi nagpapa-laundry o nagpapalaba ng mga damit sa halos isang buong taon, sa "basketball world" naman daw, usap-usapan ang umano'y mga naiwang underwear ng Kapamilya star sa condo unit ng basketball star player.

"Nagkalat daw po ang naiwanang underwear nitong si Andrea Brillantes sa unit ni Ricci (Rivero)," anang Cristy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ngunit ang tanong daw dito, kay Andrea nga lang ba ang mga nagkalat na undies sa unit ng manlalaro? Batay raw kasi sa mga kuwento-kuwento, maraming mga bebot ang nakakapunta sa condo unit ni Ricci, at ang isa nga sa mga pinagtalunan daw ng dalawa ay ang babaeng nakatapis lang na naabutan ni Andrea, isang gabing sorpresa niyang dumating sa place ni Ricci.

"Wala namang pangalan yung mga panty na 'yon para sabihing kay Andrea 'yon," anang Romel.

Sapantaha raw ni Cristy ay tila "gawa-gawa" lamang ang umiikot na kuwentong ito upang "makaganti," sa panig ng kampo ni Ricci, samakatuwid ay mukhang "paninira" lamang daw.

O kaya naman daw, ito ay kuwento naman ni Ricci sa mga kasamahan niya, sundot naman ni Romel.

Sa tingin naman ni Wendell, kailangang linawin ito ni Ricci dahil puwedeng sa ibang babae umano ang mga pakalat-kalat na underwear sa kaniyang unit, dahil nakakapaglabas-masok ang mga ito sa kaniyang unit; kung hindi man niya bisita, kasa-kasama ng kaniyang mga kaibigan.

Nagtataka naman tuloy ngayon sina Cristy kung bakit naman sa condo unit ni Ricci nagpupuntahan ang mga babaeng ito at hahantong pa sa puntong makakaiwan ng underwear.

Sey naman ni Wendell, may mga lalaki kasing ginagawang "souvenir" ang underwear ng kanilang jowa o mga babaeng nakakaugnayan.

Pahayag ni Cristy, sana raw ay itikom na lamang ng lalaki ang bibig nito lalo't kung alam niyang makakasira pa sa imahe ng dating karelasyon.

"Pero kung ikaw ay isang lalaki na may respeto sa iyong nakaraang karelasyon o sa kasalukuyan, hindi mo yun ikukuwento. Hindi yun hinihingi ng edukadong lipunan kasi sinira mo agad yung imahe ng babae," anang Cristy.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Ricci o Andrea tungkol sa isyung ito.