“Thank you for the amazing 10yrs of brotherhood we share.”

Nagbigay ng mensahe si Joseph Marco sa kaniyang kaibigang si Arjo Atayde na kinasal na kay Maine Mendoza noong Biyernes, Hulyo 28.

Isa si Joseph sa mga dumalo sa intimate wedding nina Arjo at Maine na ginanap sa Baguio City.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 30, nagbahagi si Joseph ng ilang mga larawan at video hinggil sa kasal ng kaniyang kaibigan, at ang naging tila paghahanda ni Arjo ng kaniyang message kay Maine sa wedding day.

“Watching you meet, fall in love and now marry your perfect person has been one of the greatest blessings of our friendship. May the love that has brought you two cement your love forever,” mensahe naman ni Joseph kay Arjo sa naturang post.

“Congratulations Mr. and Mrs. Atayde! 💍 I hope you’ll still be allowed out for lots of friends catch ups. 🤣 love you brother @arjoatayde! Will always be here for you guys! Ride or die! 👊🏽 May God bless you both. 🙏🏽,” saad pa niya.

Nagbigay naman ng komento si Arjo sa naturang post ng kaniyang kaibigan.

“No words but much love bro… love you so much seph. Ride or die! ❤️ thank you so much for everything bro… thank you,” ani Arjo kay Joseph.

Matatandaang nagkasama sina Joseph at Arjo sa isang Kapamilya serye noong 2014 na may pamagat na “Pure Love.”