Tila may hinanakit daw ang komedyanteng si Dennis Padilla sa boyfriend ng kaniyang anak na si Julia Barretto, na si Kapamilya star Gerald Anderson, pag-amin nito sa naging panayam ni Ogie Diaz sa kaniya.

Ayon kay Dennis, hindi pa sila nagkakausap ni Gerald. Naibahagi ng komedyante na dinedma raw siya nito nang minsang magkasama sila sa isang event. Isang kaibigan daw ang nagsabi rito na naroon din lang si Dennis at sana ay puntahan siya.

Nang tanungin daw siya ng kaibigan kung pinuntahan siya ni Gerald, sinabi ni Dennis na hindi.

“Kung gusto talaga ako ni Gerald kausapin, dapat kinausap na niya ako, eh hanggang ngayon hindi niya ko kinakausap eh,” ayon sa komedyante.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Siguro mas importante sa kaniya na good shot siya kay Marjorie. Pero sa akin kahit bad shot siya, okay lang sa kaniya. ‘Yun ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung tama ba ako, pero iyon ang nararamdaman ko eh," aniya pa.

Kung siya raw ang nasa kalagayan ni Gerald, kakausapin daw niya ang tatay ng kaniyang girlfriend na nakasamaan ng loob nito.

“Kung ayaw niya ko kausapin, wala na kong magagawa. Ako gusto ko siyang makausap,” dagdag pa ni Dennis.

Gusto raw sanang makausap ni Dennis si Gerald upang magpaliwanag dito. Gusto raw niyang ipaalala kay Gerald na magulang din siya ni Julia at hindi lamang si Marjorie ang "gumawa" rito.

Naisip ni Dennis, baka natatakot daw si Gerald kina Julia at Marjorie kung malaman ng mga ito na kinausap siya ng "mamanugangin."

“Ikamamatay mo ba yung pag sinita ka ni Marjorie at sinita ka ni Julia? Ang ibig sabihin, kapag kinausap mo ko, hihiwalayan ka ni Julia? pahayag pa ni Dennis.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag sina Gerald at Julia sa isyung ito.