Nagsagawa na ng cash aid distribution ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Egay sa Ilocos Norte.

Ipinamahagi ang cash assistance alinsunod na rin sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ayon sa DSWD Field Office 1 (Ilocos Region).

Aabot sa 1,000 pamilya sa lalawigan ang nakinabang sa naturang ayuda.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 1,000 pamilyang taga-Bacarra, Sarrat, Piddig, San Nicolas, Laoag City at Badoc.

Inaasahang mamahagi pa ng ayuda ang ahensya sa iba pang pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa lalawigan.

Matatandaang hinagupit ng bagyo ang lalawigan nitong Hulyo 26 na nagdulot ng matinding pinsala sa agrikultura.