Napa-react si GMA headwriter Suzette Doctolero sa bagong logo ng social media platform na "Twitter," na pagmamay-ari ng business magnate na si Elon Musk.

Ayon kay Suzette na mahilig ding gumamit ng Twitter at mag-tweet ng kaniyang mga saloobin at makipagbardahan sa bashers, pakiramdam niya ay tila "porn site" ang logo nito.

"Parang porn app ang X," anang Suzette sa kaniyang latest tweet nitong Sabado ng tanghali, Hulyo 29, 2023.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1685147848336400385

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tila marami naman ang sumang-ayon sa kaniya.

"Sa truuuuu po!"

"Hahahahahhaha forda XXX."

"Uso talaga ang palit logo. Mas maganda pa rin ang dati."

"Kaloka nga hahaha."

Kamakailan lamang ay nagdesisyon si Musk na palitan ang logo ng Twitter at sumailalim sa "rebranding."