Lumabas umano sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ang mga balita tungkol sa SIM registration ang siyang pinakatinutukan ng mga Pilipino sa ikalawang quarter ng 2023.

Ayon sa SWS nitong Biyernes, Hulyo 28, tinatayang 70% ng mga Pilipino ang tumutok sa mga balita tungkol sa SIM registration.

Pumangalawa naman umano sa mga pinakatinutukang balita ng mga Pilipino ang nangyaring sunog sa Manila Central Post Office (51%).

Samantala, ayon pa sa SWS, 45% naman ng mga Pilipino ang tumutok sa mga balita hinggil sa official travel at state visits ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ibang mga bansa, habang 45% din daw ang mga tumutok sa mga laro ng mga atletang Pinoy sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Bukod dito, tinutukan din umano ng mga Pilipino sa ikalawang quarter ng taon ang mga balita tungkol sa NBA basketball finals sa pagitan ng Denver Nuggets at Miami Heat (44%), ang paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill sa iba’t ibang mga lalawigan ng bansa (44%), at ang placement ng buoys ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea (43%).

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas.