Tila hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga ng bagong kasal na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, ang mga naging pahayag ni TV Patrol news anchor Kabayan Noli De Castro nang sumegway siya hinggil sa pananalasa ng super typhoon Egay sa bansa habang pinag-uusapan nila ang naganap na kasalan.

Kumakalat sa X (Twitter) ang video clip ng naging reaksiyon at komento ni Kabayan nang mapag-usapan na ng mga news anchor ang tungkol sa naganap na kasalan.

Biglang isiningit ni Kabayan ang tungkol sa nagaganap na hambalos ng bagyong Egay at susunod naman si Falcon. Kapansin-pansing sumeryoso na ang mood sa puntong ito.

Upang suportahan na lamang si Kabayan, binanggit ni Karen Davila ang tungkol sa disaster resilience dahil taon-taon naman daw dinadaanan ng bagyo ang Pilipinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Giit pa ni Kabayan, ang mga mahihirap ang direktang naaapektuhan dito dahil hindi pa man daw sila nakakabangon kay Egay, heto't may Falcon naman.

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang naging pahayag ni Kabayan. May mga nagsabing hindi dapat iniuugnay ang naging kasalan ng dalawa sa bagyo at may mga nagtanggol naman sa batikang mamamahayag na baka segway lamang ang ginawa niya ay walang intensyong sitahin ang pagpapakasal ng dalawa kahit na sinasalanta ng bagyo ang ilang lugar at lalawigan sa Pilipinas.

https://twitter.com/RightsforyRS/status/1684898826765910016?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1684898826765910016%7Ctwgr%5Ebb3e25ac221831b069bbbad29169a2eb244cab8d%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.fashionpulis.com%2F2023%2F07%2Ftweet-scoop-netizens-call-out-noli-de.html

"Kasalanan ba nina Maine at Arjo na may bagyo?"

"Matagal na pong napagplanuhan ang kasal, bakit may mga ganyan?"

"Napaka-insensitive naman po ng comment..."

"How Noli De Castro killed everyone's mood."

"What's wrong with you Noli De Castro? Anong kinalaman nina Maine at Arjo sa bagyo?"

"Nacarried away lang siguro si Kabayan pero hindi naman pinlano ang wedding nung 3 days ago lang."

"Grabe lahat naman kinakagalit ng mga tao. Mukhang gusto lang nya i-divert yung usapan sa mga nasalanta but in a bad transition."

"Segway lang naman yun para naman sa bagyo na gusto n'yang pagusapan. Wag OA mga woke. Lahat na lang eh."

"Non issue. Affected lang si Noli sa naapektuhan ng bagyo. Wala naman siyang negative na sinabi about sa kasal ni Maine and Arjo. Para kayong pigsa."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Noli o nina Maine at Arjo hinggil sa isyu.