Minamalisya ng mga netizen ang Instagram stories ni Kapuso star-fashion socialite Heart Evangelista kung saan ibinahagi niya ang awiting "Vampire" ng American singer, songwriter at actress na si Olivia Rodrigo.

"I love you Olivia Rodrigo," caption ni Heart matapos i-flex ang pinakikinggan niyang kanta sa Spotify.

Photo courtesy: Heart Evangelista's IG

Sa isa pang IG story, muli niyang ibinahagi ang larawan ni Olivia kung saan makikita ang tila naka-cross na band-aid sa bandang leeg nito.

'Nag-unfollowan pa!' Heart, nilayasan na raw ng glam team?

Mababasa rito ang salitang "Friday."

Sa ibaba, muli niyang inemphasize ang salitang "Vampire," titulo ng awitin ni Rodrigo.

Sa ulat ng Fashion Pulis, tila iniuugnay ito ng mga netizen sa isyu ng pag-ungkat sa nangyaring "falling out" nina Heart at ex-glam team, kagaya na lamang ni Justin Louise Soriano.

"Bloodsucker, fame fucker, bleeding me dry like a goddamn vampire tenenenenenenen..."

"Uhmm paano naging reaction sa issue? No earth me."

"Spill the tea ante... habang yung PA eh labas-litid na kakadefend chill-chill lang si accla hahaha."

"Sobrang timing talaga ng mensahe ni ineng Olivia Rodrigo!"

Matatandaang unang napag-usapan ang tungkol sa isyu dahil sa "spill the tea" ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update."

Nagsalita na rin si Soriano hinggil sa isyu at itinangging winaldas nila ang pera o minax out ang credit card ng dati nilang boss-friend.

https://balita.net.ph/2023/07/27/dating-make-up-artist-sumagot-sa-bintang-na-winaldas-nila-pera-ni-heart/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Heart hinggil sa isyu.