Marcos, nagbigay ng ₱15M tulong sa 'Egay' victims sa Cagayan
Nagbigay ng ₱15 milyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Provincial Government of Cagayan bilang tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Egay.
Ito ay kasabay ng pagbisita ng Pangulo sa lalawigan nitong Sabado, Hulyo 29.
Ang naturang tulong ay tinanggap ni Cagayan Governor Manuel Mamba.
Sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office, namahagi rin si Marcos ng tig-₱3 milyon sa anim na local government unit sa lugar na sinalanta ng bagyo.
Kabilang sa mga nabanggit na lugar ang Sanchez Mira, Aparri, Sta. Ana, Abulug, Calayan at Sta. Teresita.
Ang mga naturang lugar ay kabilang sa hinagupit ng super typhoon nitong Miyerkules.